Monday, August 16, 2010

HIBANG

ni JOSEL BALTAO

Kaya mo bang ipaliwanag ang multo?...eh yung lalabasan ka ng tren sa sugat mo, pag di ka tumahan?tsaka yung pagngiyaw ng malaking pusa sa bubong niyo pag di ka natulog ng maaga?at hindi lang iyon,!alam mo din ban na nanganganak ang kisses,lalo na pag nilagay mo sa bulak?

Sa totoo lang, wala naman silang ganoong importansya sa blog ko, kaya lang ,kasi naman, naniniwala ako sa mga bagay na iyon. Lahat ata ng madinig ko at Makita pinaniniwalaan ko.susko!pati ba naman pagpapalabas ng chakra sa kamay,nagawa ko na ano ba?naruto!naruto ito!.o nauto lang ako?

May mga bagay talaga na hindi nawala sa aking pagkatao.simula pa nung bata ako (matanda na pala!hehe!).at isa na doon ang pagiging mapaniwala sa sabi-sabi at kwento sa tabi-tabi.hindi naman ako chismoso “curios” lang.Lahat ng sabihin o kaya’y Makita ko ,lalo na sa magulang ko, pinapaniwala ko.feeling ko kasi “convincing” kasi ang sarap pakinggang ng tahi-tahi nilang gawa-gawa lang palang mga impormasyon.na “AKALA” ko naman ay totoo.

Ngunit hindi naman ganoong kasama ang dating ng mga tagilid na pinaniniwalaan ko. Masarap kasing maniwala.Lalo na ngayon,naniniwala ako sa sarili ko dahil sa tiwala at paniniwala ng mga tao sa paligid ko.para bang sila ang mga hangin sa aking paligid para makagawa ng chakra sa aking kamay para mapatay ana mga echuserang kalaban sa buhay ko.Wew!ang dami kong pinaniniwalaan ngayon.na mayaman kami,na Masaya ko,na masarap mabuhay at masarap mabuhay.sa paniniwala, kasama ang mga paniniwala ko.

Kung naniniwala man ako sa multo,kisses o kaya naman sa tren Masaya naman ako dun.kasi ang paniniwala ko din ang babaha sa katawan ko…ang paniniwala na may PANGINOON!at yayaman ako!!!

a...b…c…d…nakakahiwa!!!

Ni Jennie Lyn Victorioso

Lahat naman yata ng tao ay may attitude noong bata pa sila na dala nila hanggang ngayon..Hindi naman maiiwasan yun diba?Para saken bilang teenager, normal nayun No….!!!
Masasabi kng isa ako sa mga taong iyon.Meron din akong ugali noong bata na dala ko pa din hanggang ngayon.Siuguro ganun lang talga yun depende na lang sa tao kung gusto pa nilang magbago o hindi.
Tandang-tanda ko pa noong bata pa ko, ayokong napapagalitan o napagsasabihan ng masasaskit na salita.Ewan ko ba?Basta kapag napapagalitan ako naiiiyak talaga ko.Madali akong masaktan sa ganoong bagay.Nagmumukmuk ako sa tuwing napagsasabihan ako.Isang factor na din siguro na bunso ako at sanay akong naaliw sila saken.Kaya dinidibdib ko kapag may nasassabing hindi maganda saken si Papa.Lumaki kasi ako na si Papa yung kasama ko.Kailangan kasing m,agtrabaho ni Mama.Kaya walang nanay na nakapgabuilt up saken,Kahit kailan di nagkulang si Mama sa amin kahit palagi syang malayo sa amin. Kapag nagkamali ako nakakapagsalita ako ng mga masasamang salita din.Dahil siguro sa lalalki sya kaya sa ganoong paraan nya ko nasassaktan para magtanda.Naniniuwal kasi ko na hindi tayo matututo sa pagkakakamali naten kung hindi tayo masasaktan,
Ang pagiging sensitive ko noon ay dala ko pa din hanggang ngayon.Nakakahiya mang aminin pero iyon e.. Hanggang ngayon madali pa din akong masaktan sa salita. Mas gusto ko pa na nasasaktan papisikal. E naisip ko na kapag pisikal madaling kalimutan.Pag emosyonal kasi dinidibdib ko ng todo.Mahihiripan lang ako. Hindi ko agad MAKALIMUTAN.Kahit na sinasabi ng iba na nakakatulong ang pagpuna ng iba para mas tumatag ang isang tao e… iba pa din ang dating noon sa akin.
Magbabago pa naman ako.Sanyan lang ang kailangan.Sabi mga “walang permanente sa mundo”. Kaya sa paglipas ng panahon marami pang pwedeng magabago.

saling ket-ket

Ni Mickan Bautista

Noong ako’y bata pa,ayok yung napilitan lang ako isali sa laro.Hindi ko gusting makisama sa mga batang ayaw akong kalaro.Mas pinipili kong manahimik na lang sa isang tabi.Isang kaugalian ko yun nung bata na dala ko pa din hanggang ngayon.

Ako naman ay hindi mapili sa isang kaibigan kahit na ako’y medyo sensitibo ta emosyonal.Mas gusto kong sumama sa isang kagrupo na kaugali ko, kayang sakyan ang trip ko at lalong hindi yung kailangan kong magbait-baitan.Mas trip ko kasi yung tipong hindi ako iba,yung pantay-pantay lang yung tingin naming sa bawat isa.
Kapag parang di ako maka-relate sa mga ugali at mga ginagawa nila ako’y kusa na lang umaalis.Di ko kasi ugasli na makipgasiksikan sa isang grupo para lang sa katanyagan at pangangailangan.
Para sa akin para makatagpo ng mga tapat na kainigan kalingan lang nating magpakatotoo at magpagkatao.

machine gun!

Ni EDMUND R. ABANO


Ang taong may kadaldaln sa sarili at naniniwala sa kanyang kakayahan ay lalaki na marunong at may kaalaman.Ang kadaldalan na taglay ng isang batang kagaya ko ay mayroong kapakinabangan .Sa pamamagitan kasi nito ay maaring malaman ang potensyal ng isang tao.Halimbawa ang pagiging isamg guro o tagapagpahayag. Ipinapakita ri nito ang pagiging aktibo at matanong ng isang bata.ilang kakayahan ng bata na pangkaraniwan sa kanilang edad.

Pagiging madaldal ko ay isang kaugaliang aking namana sa aking inay.sa aking kalagayan dala ko na ito mula pagkabat hanggang sa kasalukuyan na ako’y labing-anim na taong gulang na.naalala ko pa ang mga pangkaraniwang tanong ko,”nay, ano yun?, sino yu? , magkano bato? , saan ka pupunta?”mga paulit-ulit na itinatatanong o na nagiging sanhi ng init ng ulo ng aking magulang.minsan naman nakukuha ko ang mga impormasyong kailangan ko.makulay ang aking buhay mula pagkabat dahil sa maraming tao sa paligid mo ang nakakapalitan ng ideya at sa huli magiging kaibigan mo na rin sila.

Ngayon na ako ay nasa kolehiyo na at nasa akin pa rin itong kaugaliang pagiging madaldal.mayroong ilang ang mga pananaw itong tao ay negatibo.kagaya ng masakit sa tenga , nakakairita at nakakadagdag polusyon sa ingay. Ang ilan naman ay ang tingin ay mablwak na pananaw sa buhay, may katalinuhan sa buhay. Sa aking paniniwala kailanman ay hindi na mawawala ang taglay kong kadaldaln hanggat patuloy ang mga tanong na naglalaro sa aking isispan.

Dalagang maldita

Ni JANINE B. DE JESUS

Labing pitong taon ko nang nasisilayan ang mundo.at sa tagal nang panahon iyon, marami na akong nararanasan at mas mararanasan pa.sobrang masayahin akong tao.taglay ko rin ang pagiging malambing, maharot, maingay, palabiro at marami pang katangian.Pero may isa akong ugali mula nang bata pa na dala-dala ko pa rin mag pasahanggang ngayon.negatibo man sa pandinig ng iba ngunit aminado akong “maldita” akong tao.

Maraming salita ang pwedeng isabit sa ugaling maldita.Ngunit base sa aking pagkatao, masasabi kong hindi lahat ng pagkakataon umiiral ang aking pagkamai\ldita.sabihin na nating salbahe, mataray, madungit,suplada,spoiled,maarte at pasaway, nandon pa rin naman ang malambot na puso na makakapagpabago ng mood ko.ako kasi yung tao na nakapag gusting-gusto ko, kailangan ay makuha ko.mapilit din ako sa mga bagay na alam kong hindi kong hindi naman pupwede.masungit ako kapag ayoko ng taong pagbabahaginan ko.mataray din ako lalo sa mga taong hindi ko close,di kilalang masyado.at higit sa lahat, pasaway ako sa mga magulang ko.ewan ko ba, sa dinami-dami ng ugaling taglay ko, ang pagiging “maldita” pa ang hindi maalis-alis sa buhay ko.pero tanggap ko yon,dahil kahit ganon akong tao, marami parin ang nagmamahal sa akin.

Hindi ko man maibahagi ang lahat lahat, Masaya naman akong nalaman niyo ang pinaka cute at nakakainis na ugaling taglay ko.naniniwala ako na may plano ang diyos kung bakit niya ito ipinagkaloob kay ganito ko.marahil gusto niyang may matutunan akong magandang aral na habang buhay kong dadalhin kahit sa kabilang buhay man…

Noli me tangere (touch me not)

ni MARK MASANGKAY


May mga taong talagang sadyang mainisin, yung tipong biruin o lang ay nagiinit na ang ulo.inaamin ko sa sarili ko na minsan medaling mag-init ang ulo ko,iyon ay isa sa mga kaugalian ko na mula pagkabata ay dala ko pa din hangang ngayon.

Natatandaan ko nung bata pa ako, pag di nasunod ang gusto ko ay naiinis kagad ako kasabay pa nito ang kapatid ko na mahilig mambuwisit.lagi akong nagdadabog kapag naiinis ako kaya napapalo tuloy ako ng daddy ko.

Ngayon naman, nadala ko pa din ang pagiging maiinisin, kapag biniro ako ay madali akong mainis lalo na pag wala ako sa mood parang gusto ko nang suntukinyung nang aasar sa akin.minsa nasasabihan ko tuloy ang isang tao ng di maganda kapg naiinis ako.negative talaga ang pagiging mainisin dahil may mga ilan na matatakot o mailing na makipagbiruan sa akin.

Tulay kong KRISTAL


Ni Sarah jane dj. Fabian,
Sa paglipas ng panahon,napagtanto ng aking musmos na pag-iisip na wala talagang permanente sa mundong ating ginagalawan.sinimulan ko iyon ng ako’y matutong magsalita,umusad,manimbang at hanggang sa makapaglakad na.ngunit normal na ito kung aking aanalisahin, ang mga pag-uugali mula pagkabata hanggang sa kasalukuyan ay hindi nanatili sa akin.subalit ang pagiging sensitibo o ang aking pagiging iyakin ay kaiba dito.

                   Hilig sa paglalaro,pagiging sumbungero’t sumbungera, pag iingay at pag iba pa ay ilan lamang sa mga Gawain ng isang nilikha upang siya’y sapat na matawag na “bata”.ngunit masasabi bang ako’y bata pa kung ang pagiging iyakin ay taglay ko pa rin hanggang ngayon?

                   Taglay ko man ito hanggang sa kasalukuyan, hindi ko ikakatawa na madalas akong nasusubukan ng mga pangyayari sa paligid ko.“sige iyak lang”, kung kailangan .yon ang nakatatak sa aking isip sa tuwing nararamdaman kong hindi ko na kaya, wala akong magawa kundi umiyak.hindi ko mapigilan ang aking emosyon sa mga panahong nakararanas ako ng hirap at sakit.para sa akin, ito ang aking mabisang paraan upang maibugos ang aking masidhing kalungkutan.

                   Saloobing maikukumpara sa isang ulap na napuno ng tubing at kahit anong araw ang suminag sa akin ay di ako nagdadalawang isip na ilabas sa paraan ng pag-ulan.pag-iyak man ang nagsisilbing tulay sa pagkabuo ng aking pagkatao,maging Masaya man ako, o maging imahe na sumisimbolo ng kahinaan, di mawawala sa aking isipan ang taglay kong katagian mula pagkabat at hanggang sa kasalukuyan….ito ako , si SARAH iyakin man, ngunit may KATATAGAN!