Monday, August 16, 2010

machine gun!

Ni EDMUND R. ABANO


Ang taong may kadaldaln sa sarili at naniniwala sa kanyang kakayahan ay lalaki na marunong at may kaalaman.Ang kadaldalan na taglay ng isang batang kagaya ko ay mayroong kapakinabangan .Sa pamamagitan kasi nito ay maaring malaman ang potensyal ng isang tao.Halimbawa ang pagiging isamg guro o tagapagpahayag. Ipinapakita ri nito ang pagiging aktibo at matanong ng isang bata.ilang kakayahan ng bata na pangkaraniwan sa kanilang edad.

Pagiging madaldal ko ay isang kaugaliang aking namana sa aking inay.sa aking kalagayan dala ko na ito mula pagkabat hanggang sa kasalukuyan na ako’y labing-anim na taong gulang na.naalala ko pa ang mga pangkaraniwang tanong ko,”nay, ano yun?, sino yu? , magkano bato? , saan ka pupunta?”mga paulit-ulit na itinatatanong o na nagiging sanhi ng init ng ulo ng aking magulang.minsan naman nakukuha ko ang mga impormasyong kailangan ko.makulay ang aking buhay mula pagkabat dahil sa maraming tao sa paligid mo ang nakakapalitan ng ideya at sa huli magiging kaibigan mo na rin sila.

Ngayon na ako ay nasa kolehiyo na at nasa akin pa rin itong kaugaliang pagiging madaldal.mayroong ilang ang mga pananaw itong tao ay negatibo.kagaya ng masakit sa tenga , nakakairita at nakakadagdag polusyon sa ingay. Ang ilan naman ay ang tingin ay mablwak na pananaw sa buhay, may katalinuhan sa buhay. Sa aking paniniwala kailanman ay hindi na mawawala ang taglay kong kadaldaln hanggat patuloy ang mga tanong na naglalaro sa aking isispan.

No comments:

Post a Comment