Monday, August 16, 2010

Tulay kong KRISTAL


Ni Sarah jane dj. Fabian,
Sa paglipas ng panahon,napagtanto ng aking musmos na pag-iisip na wala talagang permanente sa mundong ating ginagalawan.sinimulan ko iyon ng ako’y matutong magsalita,umusad,manimbang at hanggang sa makapaglakad na.ngunit normal na ito kung aking aanalisahin, ang mga pag-uugali mula pagkabata hanggang sa kasalukuyan ay hindi nanatili sa akin.subalit ang pagiging sensitibo o ang aking pagiging iyakin ay kaiba dito.

                   Hilig sa paglalaro,pagiging sumbungero’t sumbungera, pag iingay at pag iba pa ay ilan lamang sa mga Gawain ng isang nilikha upang siya’y sapat na matawag na “bata”.ngunit masasabi bang ako’y bata pa kung ang pagiging iyakin ay taglay ko pa rin hanggang ngayon?

                   Taglay ko man ito hanggang sa kasalukuyan, hindi ko ikakatawa na madalas akong nasusubukan ng mga pangyayari sa paligid ko.“sige iyak lang”, kung kailangan .yon ang nakatatak sa aking isip sa tuwing nararamdaman kong hindi ko na kaya, wala akong magawa kundi umiyak.hindi ko mapigilan ang aking emosyon sa mga panahong nakararanas ako ng hirap at sakit.para sa akin, ito ang aking mabisang paraan upang maibugos ang aking masidhing kalungkutan.

                   Saloobing maikukumpara sa isang ulap na napuno ng tubing at kahit anong araw ang suminag sa akin ay di ako nagdadalawang isip na ilabas sa paraan ng pag-ulan.pag-iyak man ang nagsisilbing tulay sa pagkabuo ng aking pagkatao,maging Masaya man ako, o maging imahe na sumisimbolo ng kahinaan, di mawawala sa aking isipan ang taglay kong katagian mula pagkabat at hanggang sa kasalukuyan….ito ako , si SARAH iyakin man, ngunit may KATATAGAN!




No comments:

Post a Comment