Monday, August 16, 2010

Dalagang maldita

Ni JANINE B. DE JESUS

Labing pitong taon ko nang nasisilayan ang mundo.at sa tagal nang panahon iyon, marami na akong nararanasan at mas mararanasan pa.sobrang masayahin akong tao.taglay ko rin ang pagiging malambing, maharot, maingay, palabiro at marami pang katangian.Pero may isa akong ugali mula nang bata pa na dala-dala ko pa rin mag pasahanggang ngayon.negatibo man sa pandinig ng iba ngunit aminado akong “maldita” akong tao.

Maraming salita ang pwedeng isabit sa ugaling maldita.Ngunit base sa aking pagkatao, masasabi kong hindi lahat ng pagkakataon umiiral ang aking pagkamai\ldita.sabihin na nating salbahe, mataray, madungit,suplada,spoiled,maarte at pasaway, nandon pa rin naman ang malambot na puso na makakapagpabago ng mood ko.ako kasi yung tao na nakapag gusting-gusto ko, kailangan ay makuha ko.mapilit din ako sa mga bagay na alam kong hindi kong hindi naman pupwede.masungit ako kapag ayoko ng taong pagbabahaginan ko.mataray din ako lalo sa mga taong hindi ko close,di kilalang masyado.at higit sa lahat, pasaway ako sa mga magulang ko.ewan ko ba, sa dinami-dami ng ugaling taglay ko, ang pagiging “maldita” pa ang hindi maalis-alis sa buhay ko.pero tanggap ko yon,dahil kahit ganon akong tao, marami parin ang nagmamahal sa akin.

Hindi ko man maibahagi ang lahat lahat, Masaya naman akong nalaman niyo ang pinaka cute at nakakainis na ugaling taglay ko.naniniwala ako na may plano ang diyos kung bakit niya ito ipinagkaloob kay ganito ko.marahil gusto niyang may matutunan akong magandang aral na habang buhay kong dadalhin kahit sa kabilang buhay man…

No comments:

Post a Comment